TARLAC CITY — Isang townhouse sa La Puerta Del Sol, Barangay Maliwalo, ang pinasok at nilimas ng sinasabing bolt-cutter gang noong Miyerkules.

Tinatayang P338,000 ang halaga ng computer, mga relo at iba pang mamahaling gamit na tinangay mula sa Unit 7 ng nasabing town house.

Sa ulat ng pulisya, dakong tanghali tapat nang umalis ang naninirahan sa unit na si Jun Basco, 41, at pumunta sa Tarlac.

Nang bumalik si Basco ay nadatnan niyang sinira ang padlock sa gate at ang mga bintana sa salas.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Maliban sa desktop computer at dalawang relo, hinakot din ng mga magnanakaw ang dalawang pares ng sapatos, welding machine, dalawang set na power tools, drill press, at chain saw.

Sinabi ng pulisya na marami nang nabiktima ang nasabing gang na gumagala sa lungsod. (Leandro Alborote)