NEW YORK (Reuters) – Nadiskaril ang isang tren sa Brooklyn terminal ng New York City nitong Miyerkules ng umaga na ikinasugat ng 104 na pasahero. Ito na ang ikalawang malaking aksidente ng tren sa metropolitan area simula noong Setyembre.

Agad na rumesponde ang emergency crew sa Atlantic Terminal matapos lumihis sa riles ang tren ng Long Island Rail Road sa loob ng abalang transportation hub dakong 8:20 ng umaga, ayon sa New York City Fire Department.

Walang nagtamo ng matinding pinsala, ngunit 11 katao ang isinugod sa ospital, sinabi ni Deputy Assistant Chief Dan Donoghue sa crash site.

Hindi agad huminto ang paparating na tren mula sa katabing Far Rockaway, Queens. Mabagal na ang takbo ng tren nang ito ay madiskaril sa riles at bumangga sa bumping block, ayon kay New York Governor Andrew Cuomo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Metropolitan Transportation Authority chairman Tom Prendergast, posible ang engineer ang responsable sa kabiguang mapahinto ang tren bago tumama sa bumper.

Tumatakbo ang tren ng 16 hanggang 24 km kada oras habang papalapit ito sa bumper, ang karaniwang bilis nito. “At that speed, it’s pretty much the locomotive engineer’s responsibility to stop the train,” sabi ni Prendergast

Iimbestigahan ang engineer, conductor at brakeman upang matiyak ang tunay na sanhi ng aksidente.

Dahil sa aksidente, nawasak ang dalawang bagon sa harapan ng six-carriage train. Nasira rin ang mga partisyon at bumping block ng istasyon, na humaharang sa mga tren na lumagpas sa dulo ng bahagi ng riles. Sakay ng tren ang 430 pasahero at crew.