Isang araw matapos sumuko si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino sa military, hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Chinese national na kasama niyang akusado sa kasong may kaugnayan sa droga.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, sumuko sa NBI Special Task Force si Yan Yi Shou, alyas Randy.

Sa ngayon, nakabimbin ang hiling ng Department of Justice sa Manila Regional Trial Court na maglabas ng hold departure order laban kina Marcelino at Yan.

Kinasuhan ang dalawa ng illegal possession of dangerous drugs sa Manila Regional Trial Court Branch 49, na nagpalabas ng arrest warrant laban sa kanila. (Beth Camia)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20