CHENNAI, India (AP) — Ginulat ni South Korean qualifier Chung Hyeon si sixth-seeded Borna Coric, finalist dito sa nakalipas na taon, 6-3, 7-5, sa first round ng Chennai Open nitong Lunes (Martes sa Manila).

Patuloy ang pamamayagpag ni Chung mula sa qualifying tournament at nagawang madomina ang highly-rated Croatian rival sa labanan sa baseline shot sa SDAT Nungambakkam Stadium.

Sinamantala ng South Korean ang masamang laro ni Coric sa first set kung saan nagkalat ang world No.48.

Naging dikitan ang laban sa second set, subalit nanaig ang determinasyon ng South Korean.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sunod na makakaharap ni Chung si Dudi Sela ng Israel, nagwagi kay Damir Dzumhur ng Bosnia, 6-2, 6-2.

Sa iba pang laro, nagwagi si Daniel Medvedev kay Thiago Monteiro ng Brazil 6-3, 6-3, habang pinatalsik ni Belgian Steve Darcis si Croatian qualifier Nikola Mektic 6-2, 6-3 para maisaayos ang duwelo kay third-seeded Spaniard Albert Ramos-Vinolas sa second round.

Makakaharap naman ni Medvedev ang mananalo sa pagitan nina eighth-seeded Yen-Hsun Lu at Radu Albot.

Nabigyan naman ng bye sa first round ang top-seeded na si Marin Cilic.