markki-at-sue-copy

MABUTI na lang at binasa namin ang caption ng post ni Markki Stroem sa Facebook na ikinasal na siya. Parang totoo kasi ang picture nila ni Sue Ramirez.

Kuha pala iyon kahapon para sa teleseryeng My Dear Heart na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Bela Padilla at Ms. Coney Reyes at kasalukuyan nang ipinapakita sa telebisyon, handog ng Dreamscape Entertainment.

Ang caption ng litrato, “First day of work today. Got married for a new soap opera, haha. 2017 here we go.”

Human-Interest

Aspin na tinawag na 'monster' noon, nagsisilbing 'angel' ng couple sa Makati ngayon

In fairness, bagay sina Markki at Sue. Hindi nga lang sinabi ng singer/actor kung ano ang papel nila ng dalaga, basta sinabi lang niya na may bagong soap drama at sa iba pa namin nalaman na My Dear Heart pala ito.

Kinontak at tinanong namin ang aktor kung unang teleserye niya ito.

“Nope, Dysebel, Doble-Kara,” sagot ng aktor.

Bihirang magkaroon ng teleserye si Markki dahil mas abala siya sa corporate events at may PAGCOR tours pa.

Pero mukhang magtatagal ang singer/actor sa kanyang stint dito sa My Dear Heart.

Nananatiling single si Markki na hindi naman nagmamadali dahil naniniwalang kusa raw itong darating kaya career muna ang prayoridad niya. (REGGEE BONOAN)