SAO PAULO (AP) — Isa pang titulo sa Brazil para kay Jemima Sumgong ng Kenya, ngunit sa pagkakataong ito naitala niya ang panalo sa bagong record.

Naitala ni Sumgong, kampeon din sa 2016 London Marathon, ang tyempong 48 minuto at 35 segundo para makumpleto ang 15-kilometer (9.3-mile) New Year’s Eve event, may 40 segundo ang bentahe sa kababayang si Flomena Cheyech Daniel.

Ang dating record ay 48:48 na kanya ring naitala noong 2011.

Dikitan naman ang labanan sa men’s division kung saan pitong segundo lamang ang bentahe sa isa’t isa ng unang tatlong finisher.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Nakopo ni Ethiopian Leul Aleme ang panalo sa tyempong 44:53, kasunod ang kababayang si Dawit Admasu, at bronze medalist si Stephen Kosgei ng Kenya.