britney-at-sam-copy

IPINAGDIWANG ni Britney Spears ang New Year’s Eve kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Sam Asghari, ayon sa post ng pop star sa Instagram nitong nakaraang Linggo.

“Happy New Year,” caption ng pop icon, 35, sa litrato nila ni Asghari na nakaakbay sa kanya.

Unang nagkita ang dalawa sa set ng Slumber Party music video ni Britney, at simula noon ay agad nang napabalita na may namumuong romansa sa dalawa. Nitong nakaraang buwan, nakita silang magkasama at tumatawa si Britney sa kanilang dinner sa Gyu-Kaku Japanese restaurant sa Los Angeles. Nang panahong iyon, sinabi ng isang source sa People na ilang beses pa lamang nagkakasama sa date at nasa getting to know stage pa lamang ang dalawa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagsimula noong huling bahagi ng Nobyembre ang pahulaan ng publiko sa tunay na relasyon nina Britney at Asghari nang mag-post ang huli ng litrato -- burado na ngayon -- kasama si Spears sa isang restaurant.

Tungkol sa pagiging seryoso ng kanilang relasyon, sinabi kamakailan ni Britney, na nakipaghiwalay sa TV producer na si Charlie Ebersol noong Hunyo 2015, sa The Jonathan Ross Show na hindi siya interesadong magkaroon ng bagong karelasyon.

“A lot of men are about games,” aniya. “It’s just the mind game with guys, the calling back and texting. It’s just too much. It’s silly. I’m not looking for men right now. I’m really happy with myself.” (People)