May abogado na ang Pinay na nahatulang makulong sa Kuwait dahil sa pag-anib sa teroristang grupong Islamic State, ayon sa Embahada ng Pilipinas roon.
Sa ulat ng Arab News, inihayag ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa, na ang 32-anyos na Pilipina ay binigyan na ng abugadong mag-aasikaso sa kanyang kaso at upang igiit na biktima lamang siya ng “circumstances”.
Binisita ni Villa ang Pinay sa Sulaibiya Central Jail noong Martes upang ipabatid ang ayuda ng embahada.
(Bella Gamotea)