Dapat maglabas ng pahayag ang White House na nagdedeklarang wala itong kinalaman sa diumano’y planong patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa ulat na nailathala sa isang pambansang pahayagan na tinukoy ang mga hindi pinangalanang impormante.

Ito ang hamon ni Rep. Winston Castelo kina outgoing US President Barack Obama at president-elect Donald Trump sa harap ng hindi kumpirmadong planong destabilisasyon na niluluto diumano ni dating US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg.

Binalewala ni Akbayan Partylist Rep. Tomas Villarin ang mga ulat na aniya ay kapraningan lamang ng gobyernong Duterte na minumulto ng mga kaluluwa ng mahigit “6,000 killed by its war against the poor/drugs.”

Gayunman, sinabi ni Kabayan Partylist Rep. Harry Roque na mayroong sapat na batayan ang katotohanan ng ulat kung ikokonsidera ang papel ng US government sa pagpapabagsak sa mga lider ng mga bansa gaya ng Pilipinas.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Reports that former US Ambassador to Manila Phlip Goldberg has drafted plans for the ouster of President Duterte from power, while not altogether surprising, should not be readily dismissed,” sabi ni Roque.

Sinabi ni Castelo, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na iginagalang niya ang pagtangging inilabas ng US Embassy sa Manila, ngunit mas maganda kung maglalabas mismo ng pahayag ang White House.

“We urge Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay to formally send a note verbale to the US embassy in Manila and ask for an explanation -- including how such sensitive document, if it does exist, could have been leaked and if the leak is not, in fact, meant to be part of the destabilization plot,” ani Castelo.

Nababahala rin sa diumano’y planong destabilisasyon ni Goldberg laban sa administrasyong Duterte, nanawagan si Speaker Pantaleon Alvarez ng imbestigasyon sa Kamara. (BEN ROSARIO)