bea-at-gerald-copy

HINDI ipino-post nina Gerald Anderson at Bea Alonzo ang bakasyon nila sa Los Angeles, California. Nalaman lang na umalis ang dalawa dahil nag-viral ang pictures nilang kuha sa eroplano kasama ang isang flight attendant (FA).

Nag-post din ang kanilang fans tungkol sa paglapag nila sa Bradley International Airport sa LA. Pero maliban sa picture sa loob ng eroplano at balitang pagdating nila sa LA, wala nang ibang report.

Hindi naman siguro inililihim nina Gerald at Bea ang kanilang pagbabakasyon sa Amerika dahil pumayag nga silang magpakuha ng picture kasama ang FA ng Philippine Airlines. Alam nilang ipo-post ang picture nila sa social media at alam din nilang makikita sila sa LA.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Ayaw lang talaga nilang mag-post ng pictures at hinahayaan sila ng kanilang fans. Ang importante sa fans, magkasama sila at masaya.

Hindi rin minamadali ng fans ang dalawa na aminin ang kanilang relasyon, maghihintay daw sila sa right time.

“Enjoy love birds” ang payo kina Gerald at Bea ng kanilang supporters. Ituloy lang nila ang pagpapakilig sa kanilang mga tagahanga at bahala silang sumuporta sa mga project ng dalawa. (NITZ MIRALLES)