LOS ANGELES (AP) – Walang pinag-iba ang 2016 Summer Games sa ordinary torneo na nilahukan ni Simone Biles.
Anuman ang kompetisyon, pinatunayan ng 19-anyos American na bukod sa taglay na matatamis na ngiti – siya ang pinakamahusay na gymnast sa mundo o tama lamang na tanghaling ‘the best of all-time’.
Sa loob ng 10 araw na kompetisyon nitong Agosto sa Rio, Brazil, pumailanlang ang pangalan ni Biles sa ibabaw ng podium. Ilang ulit niyang tinanggap ang gintong medalya at ilang beses na pumailanlang ang pambansang awit ng Amerika.
“It’s kind of a blur,” sambit ni Biles.
Para sa kanya, puwede. Ngunit, sa mata ng buong mundo – kakaiba ang nagawa niyang tagumpay sa Rio Olympics.
Dahil dito, napili ng The Associated Press si Biles bilang ‘Female Athlete of the Year’.
Sa botohan ng mga US editor at news director nitong Lunes (Martes sa Manila), tumanggap si Biles ng 31 boto mula sa posibleng 59. Pangalawa sa kanya si US Olympic swimmer Katie Ledecky, nagwagi ng apat na ginto at isang silver sa Rio, na may 20 boto.
Pangatlo sina Serena Williams, nagwagi ng Wimbledon sa ikalong pagkakataon para pantayan ang record ni Steffi Graf na 22 Grand Slam title at three-time AP women’s NCAA basketball Player of the Year Breanna Stewart na may tig-apat na boto.
Nakatakdang ipahayag ng AP sa Martes (Miyerkules sa Manila) ang napoiling AP Male Athlete of the Year.
Bunsod nito, si Biles ang ikalimang gymnast na nagwagi ng parangal, katulad nina Olga Korbut (1972), Nadia Comaneci (1976), Mary Lou Retton (1984) at Gabby Douglas (2012).
“In prelims I did very well I kind of shocked myself,” sambit ni Biles.
“I came in thinking, ‘I’ve been to three worlds.’ I knew the gist of it. Once I got (prelims) out of the way, I just kind of relaxed.”