NAITALA ng Mahindra ang unang panalo sa OPPO-PBA Philippine Cup, kaya’t umaasa si Alex Mallari na simula na ito para sa matikas na kampanya ng FloodBusters.
Dumaan sa overtime ang Mahidra bago naitala ang 97-93 panalo kontra sa Blackwater Elite nitong Linggo sa Philippine Arena at bumida sa ratsada ng koponan ang kaliweten si Mallari.
Tumipa ang 6-foot-3 na si Mallari ng siyam na puntos sa krusyal na sandali para maitabla ang iskor sa 81 at maitulak ang laro sa extra period.
“I think we’re starting to figure things out a little bit, put guys in the right spot, and keep moving forward from here,” pahayag ni Mallari, tumipa ng 23 puntos.
Iginiit ni Mallari na ang nagawang paghahabol ng Mahindra mula sa 76-64 ay isang indikasyon na may kakayahan ang koponan na makaahon kung magpupursige lamang.
Sadsad ang Floodbuster sa 0-5 bago ang makasaysayang panalo sa Elite.
“Just keep pushing, keep pushing. The lead was 15 but the lanes were open so we keep on attacking,” aniya.
“The lanes were open so I kept attacking. Coach kept telling me to attack so I attack.”
Hindi pa huli ang lahat para sa Mahindra at kung hindi bababa ang intensity ni Mallari sa bawat laro, malaki ang tyansa na makaabot ang koponan sa susunod na round.