Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagpaslang kay Larry Que, kolumnista at publisher ng isang pahayagan sa Catanduanes.

“I would like to give the assurance that justice will be served on the killing of Mr. Larry Que and other victims of media killings,” sabi ni Aguirre sa isang text message sa mga mamamahayag.

Binaril sa ulo si Que ng isang hindi nakilalang lalaki na nakasuot ng bonnet at kapote sa Virac noong Disyembre 19.

Naisugod pa siya sa ospital ngunit namatay din kinabukasan. (Rey G. Panaligan)
Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal