Inatasan ni Eastern Police District (EPD) Director Police Chief Supt. Romulo Sapitula ang lahat ng pulis na maging responsableng gun owners, partikular sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ngayong taon ay hindi pinaselyuhan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang service firearms ng mga pulis.

Kaugnay nito, idiniin ni Sapitula na hindi ito dapat na samantalahin ng mga pulis at sa halip ay ipakita sa publiko na sila ay disiplinado at responsable sa baril.

Nagbabala si Sapitula sa kanyang mga tauhan na mahaharap sa mahigpit na parusa ang kapag nasangkot sila sa indiscriminate firing. (Mary Ann Santiago)

Niana Guerrero, pinaplano na ring pasukin ang showbiz?