bea-copy-copy

BINIGYAN ng ibang kahulugan ang reaction ni Bea Alonzo sa trailer ng I’m Drunk, I Love You movie na pinagbibidahan nina Maja Salvador at Paulo Avelino.

Ipinost ni Maja sa Instagram ang video ng trailer at naglagay ng caption na, “This 2017 masasaktan ka na naman, Tol!”

Nag-comment si Bea ng “@majasalvador ganda!”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Hayun, nag-react agad ang trolls/bashers, liar daw si Bea dahil gayong trailer pa lang ang napanood, sinabi nang maganda. Malinaw naman na sa trailer lang nag-react si Bea. Itong mga troll talaga....

Pati ang pahayag ni Bea na “dating” pa lang sila ni Gerald Anderson isinali na sa usapan. Nagsinungaling daw si Bea dahil sila na ni Gerald.

O, di ba, mas marami pang alam kaysa may katawan ang trolls.

Hindi naman siyampre magre-react ang netizens kung hindi si Bea ang nag-comment na maganda ang trailer ng movie ni Maja.

Understandable ito dahil ex-girlfriend ni Gerald si Maja at sa takbo ng mga nangyayari, mukhang magkakabalikan sina Bea at Gerald.

Parehong ex-girlfriend ni Gerald si Bea at si Maja. So, may mga nanggagatong.

Umapoy naman kaya? (NITZ MIRALLES)