Tuloy ang paghahanap ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ng matatapat na tao na maaaring mamuno sa mga ahensiya ng pamahalaan nang walang bahid ng katiwalian.
Ito aniya ang dahilan kung bakit ang ilang posisyon sa gobyerno ay hindi pa rin napupunan.
Sa harap ng kababaihan na bumubuo ng “Community Drugs Watch” sa Clarkfield, Angeles City, Pampanga noong Huwebes, binigyang-diin ng Pangulo na tutuparin niya ang kanyang ipinangako noong kampanya na wawalisin ang korapsiyon.
“I complied on my promise: there will be no corruption, I will assure you there will be no corruption. ’Yung pera ninyo dadating talaga sa inyo,” sabi ng Pangulo.
“Every Cabinet meeting nagwa-warning talaga ako,” dagdag niya, binanggit ang pagsibak niya sa dalawang commissioner ng Bureau of Immigration (BI) kahit na kasamahan niya ang mga ito sa fraternity.
“Pag sinabi ko malinis, malinis,” diin ni Duterte. (Elena L. Aben)