carmelo-anthony-120613-copy

DENVER, Colorado (AP) – Hindi naitago ni dating NBA coach George Karl ang pagkadismaya kay dating Denver Nuggets star Carmelo Anthony at iba pang nakasamang player sa kanyang ‘memoir’ Furious George na nakatakdang ilabas sa Enero.

Sa inilabas na paunang impormasyon hingil sa naturang libro nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), batay sa report ni New York Post’s Marc Berman, inilarawan ni Karl si Anthony na ‘user of people,’ ‘addicted to the spotlight’ at ‘uncommitted.’

Inilahad ni Karl ang kritismo kay Anthony na nakasama niya sa Denver sa loob ng anim na taon mula Enero 2005 hanggang Pebrero 2011.

Human-Interest

WFH employee, nagbigay-pugay sa supportive niyang ina: 'Dahil pala sa kaniya...'

“Carmelo was a true conundrum for me in the six years I had him,” pahayag ni Karl, patungkol sa all-star member na inilarawan din niya na ‘the best offensive player I ever coached’ ngunit may agam-agam sa kanyang katauhan para dumepensa.

“He was also a user of people, addicted to the spotlight and very unhappy when he had to share it,” aniya. “He really lit my fuse with his low demand of himself on defense. He had no commitment to the hard, dirty work of stopping the other guy.”

Matapos payagan ang hiling na trade ni Anthony sa Knicks, inilarawan ni Karl ang sitwasyon na “a sweet release for the coach and the team, like popping a blister.”

Binira rin ng dating Nuggets coach ang mga kasangga noon ni Anthony na sina J.R. Smith at Kenyon Martin, na ayon kay Karl ang “the spoiled brats you see in junior golf and junior tennis.”

Sinabi ni Karl na mabigat dalhin si Smith, nagwagi ng NBA title bilang Cavaliers sa nakalipas na season, na aniya’y nagtataglay ng “huge sense of entitlement, a distracting posse, his eye always on the next contract and some really unbelievable shot selection.”

Bago nag-coach sa Denver, ginabayan ni Karl ang Cavaliers, Golden State Warriors, ang Seattle Supersonics at Miwaukee Bucks. Tangan niya ang career record na 1,175 -824.