BATANGAS CITY - Ipinagmalaki ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa Batangas City ang pagkakaroon ng SPED Building sa lungsod, kasama ng iba pang accomplishments ng kagawaran ngayong 2016 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Education Week ngayong linggo.

Ayon kay Marie Lualhati ng Batangas City Public Information Office, isa sa mga ipinagmalaki ni City Schools Superintendent Dr. Donato Bueno sa kanyang State of the Division Address (SODA) ay ang gusaling itinayo sa Sampaga Elementary School na pinondohan ng pamahalaang lungsod mula sa special education fund.

May mga SPED center na rin umano sa Batangas City East Elementary School at South Elementary School, at nagbukas na rin ng klase para sa SPED sa Kumintang at Libjo Elementary Schools.

Binanggit din ni Dr. Bueno ang pagpasa ng 697 sa 845 estudyante ng Alternative Learning System (ALS) sa accreditation at equivalency tests noong Enero, tumaas ng 20% kumpara noong 2014. (Lyka Manalo)

Probinsya

Dahil sa 5.8-magnitude na lindol: Kalsada sa Liloan, Southern Leyte, nagkabitak-bitak!