Nick Cannon And Ncredible Entertainment Partner With Maxim Magazine

HABANG nasa bakasyon grande ang kambal ni Nick Cannon na sina Roc at Roe, 5 taong gulang, kasama ang kanilang ina na si Mariah Carey, nasa ospital naman siya.

“For all who have been trying to contact me the last few days this is where I’ve been,” caption niya sa larawan na na kuha sa kanyang hospital bed. “And I will be in the Hospital through Christmas. All good though, Doctors say I will be back to normal before the New Year. #LupusSucks #ncredible #warrior.”

Ibinunyag ng host ng America’s Got Talent noong 2012 na na-diagnose siya na may lupus nephritis – na inilarawan niya bilang pambihirang uri ng lupus na umaatake sa kanyang kidney. Simula noon, ilang beses nang naospital si Cannon at naging bukas para ibahagi ang tungkol sa paghihirap na dinaranas sa kanyang autoimmune disease.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I want to continue to educate, show people that you can live with this condition and similar conditions as long as you live right,” paliwanag ni Cannon sa Huffpost Live noong Abril 2014. “I always say I’ve changed my test into a testimony.”

Ilang araw pa lamang ang nakararaan, nagtungo si Cannon sa ospital kasama ang legendary na si Dick Gregory at hindi para sa kanyang personal na kalusugan kundi upang sorpresahin ang ang mga pasyente sa Children’s Hospital sa Los Angeles. (Yahoo Celebrity)