zeid-raad-al-hussein-ap-copy

Hiniling ng human rights chief ng United Nations sa mga awtoridad ng Pilipinas noong Martes na imbestigahan si Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong sabihin na pumatay siya ng mga tao noon at siyasatin ang “appalling epidemic of extra-judicial killings” na nagawa sa kampanya kontra droga.

Sinabi ni UN High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein na kailangang ipakita ng judicial authorities ang kanilang “commitment to upholding the rule of law and their independence from the executive by launching a murder investigation.”

Idinagdag niya na “unthinkable for any functioning judicial system not to launch investigative and judicial proceedings when someone has openly admitted being a killer.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Simula nang maupo sa puwesto noong Hunyo si Duterte at ilunsad ang kampanya laban sa illegal drugs, mahigit 6,000 katao na ang namatay.

Ginawa ni Zeid ang panawagan sa kanyang pag-uulat sa human rights sa Geneva, Switzerland. Ito ay kasunod ng mga pahayag ni Duterte sa kanyang talumpati kamakailan na nang siya ay mayor pa ng Davao City noong 1988, pumatay siya ng tatlong pinaghihinalaang kidnapper sa isang engkuwentro kasama ang tatlong pulis.

Sinabi rin ng Pangulo na dati ay nililibot niya ang lungsod sakay ng motorsiklo para maghanap ng mga kriminal na papatayin upang gayahin siya ng mga pulis.

Ayon kay Zeid, ang mga kilos ni Duterte “directly contravene the rights” na nakasaad sa saligang batas ng Pilipinas at ang mga sinasabing pamamaslang ng Pangulo ay paglabag din sa international law.

Sinabi rin ng opisyal ng UN na ang panghihikayat ni Duterte sa iba ay maaituturing na incitement to violence.

Nagpahayag din siya ng pagkabahala sa paniniyak ni Duterte na ang mga pulis na nakagawa ng mga paglabag sa karapatang pantao na hindi sila mapaparusahan.

“The perpetrators must be brought to justice, sending a strong message that violence, killings and human rights violations will not be tolerated by the state and that no one is above the law,” aniya.

Agad na umalma si Sen. Panfilo M. Lacson, chairman ng Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee, sa mga pahayag ni Zeid.

Ayon sa senador, dapat na alamin muna ng mga opisyal ng UN ang batas ng mga bansa bago batikusin ang diumano’y mga paglabag sa karapatang pantao ng Pangulo.

‘’First, our President enjoys immunity from suit during his term. Second, no matter how many times a person in our country admits having committed murder, as long as there is no other evidence to corroborate his extra-judicial confession, the case cannot stand in any court of law,’’ ani Lacson.

‘’That UN official can shout to high heavens to investigate the President but unfortunately for him, he can’t get past that call,’’ punto niya. (AP, Mario B Casayuran)