PERTH, Australia (AP) — Umatras sa laban si Petra Kvitova ng Czech Republic sa pagsabak ng koponan sa Hopman Cup mixed teams tennis tournament.

Ayon sa tagapagsalita ni Kvitova, nagtamo ito ng stress fracture, at kailangang mapahinga para makalaro sa Australian Open – unang major tournament ng taon – sa Enero.

“I’m disappointed I will be unable to play at the Hopman Cup. The results of an MRI have confirmed that my foot is healing but not as quickly as we would have liked,” pahayag ng world ranked No.11

Papalitan si Kvitova sa koponan ng Czech Republic ni three-time Grand Slam doubles champion Lucie Hradecka. Katambal niya si Adam Pavlasek kontra kina Jack Sock at Coco Vandeweghe ng United States sa opening match sa Enero 1.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!