La Salle star Jeron Teng, top pick sa PBA D-League.
Nasiguro ng 6-foot-2 forward mula sa De La Salle University ang kapirasong kasaysayan sa basketball career nang tanghaling first overall pick ng AMA Online Education sa ginanap na PBA D-League Rookie Draft kahapon sa PBA Cafe sa Metrowalk, Pasig City.
Sa presensiya ni Teng, Finals Most Valuable Player sa muling pagkampeon ng Green Archers sa UAAP kontra Ateneo Blue Eagles kamakailan, kumpiyansa ang AMA Online management na matitikman ng Titans ang tagumpay – kahit sa semifinals – na kauna-unahan sa prangkisa.
"Actually si Jeron Teng, pag pumasok sa team ‘yan may improvement agad ‘yung team," pahayag ni coach Mark Herrera.
"Kailangan ng team namin ‘yan ngayon kasi bata pa kami. Ngayon, wala kaming foreigner so sa kanya kami mag-buibuild.
Napakalaking morale boosts ito sa amin,” aniya.
Sinopresa naman ng Tanduay ang crowd at basketball fanatics nang piliin si Jom Sollano ng Letran bilang second overall.
Tumaya rin ang Racal sa hindi masyadong napaguusapan na si forward Jonjon Gabriel ng Colegio de San Lorenzo bilang third overall pick, kasunod si Patrick Aquino ng Centro Escolar university para sa Cafe France at si G-Boy Babilonia ng Ateneo para sa Wangs Basketball bilang 5th overall draft.
Kinuha ng Victoria Sports-MLQU si Jayson Grimaldo (6th); napili ng Cignal-San Beda si Davon Potts (7th) at natapos ang first round pick sa pagkuha ng Batangas sa homegrown cager na si Wilmar Anderson.
Ang pinaguusapang si Fil-Am guard Jason Brickman, sinasabing magiging No. 1 No. 2 ay nakagugulat na pinulot ng Tanduay sa fourth round.
Batay sa regulasyon, ang mga school-based squad tulad ng Cafe France-CEU, Cignal-San Beda, at Victoria Sports-MLQU ay namili na muna nang sarili nilang varsity player bago nakasali sa draft pool.
Umabot sa 18th round ang pilian kung saan tinuldukan ng Batangas ang inaasahang Ala Eh!-connection.
Hindi naman nakisalo sa drafting ang Jose Rizal University at guest team Blustar Malaysia dahil kompleto na ang kanilang mga line-up.
Nakatakda ang 2017 PBA D-League Aspirants' Cup sa Enero 19 sa Ynares Sports Arena.
Narito ang kompletong talaan ng rookie draftee hanggang limang round.
First Round:
AMA: Jeron Teng (DLSU); Tanduay: Jom Sollano (Letran); Racal: Junjun Gabriel (San Lorenzo); Cafe France: Patrick Aquino (CEU); Wangs: G-Boy Babilonia (Ateneo); Victoria Sports-MLQU: Jayson Grimaldo (MLQU); Cignal-San Beda: Davon Potts (San Beda); Batangas: Wilmar Anderson (UB)
Second Round:
AMA: Jeepy Faundo (UST);Tanduay: Monbert Arong (FEU); Racal: Jerrick Balanza (Letran); Cafe France: Mishaal Veron (CEU); Wangs: Justin Arana (UST); Victoria Sports-MLQU: Nikko Lao (MLQU); Cignal-San Beda: Robert Bolick (San Beda); Batangas: Jon Macasaet (UST)
Third Round: AMA: Mario Bonleon (UST); Tanduay: Paul Varilla (UE); Racal: Mac Tallo (SWU); Cafe France: Orlan Wamar (CEU); Wangs: Chris Lalata (St. Francis); Victoria Sports-MLQU: Jaymark Mallari (MLQU); Cignal-San Beda: AC Soberano (San Beda); Batangas: Chris Dela Pena (Letran)
Fourth Round:
AMA: Renz Palma (UE); Tanduay: Jason Brickman (Long Island); Racal: Daryl Singontiko (Perpetual); Cafe France: Alvin Capobres (San Sebastian); Wangs: Michael Ayonayon (Sienna College); Victoria Sports-MLQU: Juan Baliday (MLQU); Cignal-San Beda: Calvin Oftana (SBC); Batangas: Thomas de Guzman (Sacramento State)
Fifth Round:
AMA: PJ Barua (La Salle); Tanduay: Andreas Cahilig (Amang Rodriguez); Racal: Jon Sheriff (UST); Cafe France: Allyn Bulanadi (San Sebastian); Wangs: Ervin Lacsamana (St. Francis); Victoria Sports-MLQU: Gianne Rivera (MLQU); Cignal-San Beda: John Bahio (San Beda); Batangas picks JR Yasa (PCU). (Marivic Awitan)