camila-copy

INIHAYAG ng girl group na Fifth Harmony ang paglisan ni Camilia Cabello sa grupo nitong nakaraang Linggo.

Naglabas ng larawan ang Fifth Harmony sa kanilang Twitter para ipahayag ang pag-alis ni Cabello sa grupo.

“We have been informed via her (Camila) representatives that Camila has decided to leave Fifth Harmony,” saad nila sa post.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Umaasa ang mga miyembre ng grupo na sina Ally Brooke, Normani Kordei, Dinah Jane, at Lauren Jauregui na makabubuti ito kay Cabello.

Sinabi rin nila na magpapatuloy ang kanilang grupo. Hindi nagbigay ng anumang dahilan kung bakit umalis sa grupo si Cabello.

Ayon sa E! News, nahihirapan ngayon si Cabello dahil sa anxiety episodes.

Nagsolo na rin si Cabello habang nasa grupo at nakipagtrabaho sa ilang mga artist tulad sina Shawn Mendes at Machine Gun Kelly.

Nabuo ang Fifth Harmony sa American singing competition na The X Factor nina judges Simon Cowell at Demi Lovato, at nakuha ang ikatlong puwesto sa finals ng kompetisyon.

Kilala sila sa kanilang hit songs na Work From Home at Worth It. (MB Entertainment)