Naniniwala ang isang pari na maraming mambabatas ang tutol sa pagpapatupad ng death penalty ngunit tiyak na isasaalang-alang pa rin ang kanilang political career sa pagdedesisyon kung papabor o hindi sa muling pagbuhay sa parusang kamatayan.

Ayon sa tinaguriang running priest na si Father Robert Reyes ng Coalition Against Death Penalty (CADP), nakalulungkot dahil ngayon pa lamang ay marami nang mga mambabatas ang nagpapahiwatig na mahihirapan silang tumutol sa administrasyong Duterte, na nagsusulong ng parusang kamatayan.

“The problem is our politics! It’s a politics of compromise and accommodation. As early as now, they are already thinking of [the] 2019 elections,” pahayag ni Reyes sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Tutol si Reyes sa pagbuhay sa parusang kamatayan dahil sa paniniwalang dapat na magkaroon ng pagkakataon na magbagong-buhay ang bawat nilalang.

“This is not about religion but moral and ethical conviction. It’s no longer just about principles but also conscience,” diin niya. (Mary Ann Santiago)