BALIK aksiyon sina Pinoy fighter Rene Catalan at Vaughn Donayre sa ONE Championship sa pakikipagtuos sa magkahiwalay na karibal sa ONE: Quest For Power sa Enero 14 sa Jakarta Convention Center.

Makakaharap ni Catalan ang hometown bet na si Adrian Matheis, habang masusubok si Donayre kontra Dutch-Indonesian fighter Vincent Latoel sa supporting event nang promosyon na magtatampok sa duwelo nina ONE middleweight champion Vitaly Bigdash kontra Marcin Prachnio.

Target ni Catalan, dating wushu gold medalist sa 2006 Asian Games, na masundan ang matikas na panalo sa flyweight division kontra Zhang You Liang sa ONE: Unbreakable Warriors nitong September – kauna-unahan niyang panalo bilang MMA fighter sa nakalipas na apat na laban.

Galing naman sa kabiguan si Donayre laban kay Amir Khan sa ONE: Defending Honor nitong November sa Singapore. Asam niyang makabawi mula sa naturang kabiguan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa main event, itataya ni Bigdash (8-0) ang korona na napagwagihan noong Oktubre 2015 via technical knockout kontra Igor Svirid. Tangan ni Prachnio ang 12-2 karta.

“2017 is shaping up to be a phenomenal year for ONE Championship. We have an exciting lineup of world-class events all across iconic cities in Asia, and we are thrilled to kick things off in Jakarta,” pahayag ni ONE CEO Victor Cui.