Nahaharap sa patung-patong na kaso ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo matapos makuhanan ng granada, baril at shabu sa Barangay Marikina Heights, Marikina City kamakalawa.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 (illegal possession of firearms and fragmentation grenade) at Republic Act 9165 (comprehensive dangerous drugs act of 2002) sina Mark James Flores at Randy Mendoza, kapwa nasa hustong gulang at residente ng naturang lugar.

Ayon sa mga awtoridad ng Marikina City Police, dakong 4:00 ng hapon sa Apitong Street, ikinasa ng kanilang mga tauhan ang Oplan Sita at napansin ang mga suspek na walang suot na helmet at lulan sa Suzuki Smash motorcycle (3289 IX).

Pinahinto ng mga pulis ang mga suspek at dito na nadiskubre ang kalibre .38 revolver na may anim na bala, granada, at dalawang plastic sachet ng shabu. (Mary Ann Santiago)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon