Patay ang magtiyuhin na sangkot umano sa ilegal na droga makaraang pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa Pateros, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang mga biktima na sina Rommel Salvador, 42; at Joseph Salvador, 24, ng Sitio Pagkakaisa, Barangay Sta. Ana ng nasabing munisipalidad.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na pawang nakasuot ng bonnet at full face helmet habang sakay sa mga motorsiklong walang plaka.

Sa ulat na natanggap ni Pateros Police chief Senior Supt. Joel Villanueva, dakong 3:00 ng madaling araw nangyari ang insidente sa loob mismo ng bahay ng pamilya Salvador.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagpapahinga ang magtiyuhin nang biglang dumating at pilit na pumasok sa loob ng bahay ang mga salarin bago pinagtulungang barilin ang mga biktima.

Kabilang umano sa drug watch list ng pulisya sina Rommel at Joseph. (Bella Gamotea)