kris-sa-blessing-ng-kristv-corp-office-copy

BAGO umalis si Kris Aquino kasama sina Josh at Bimby, patungo sa hindi sinabing bansa para sa kanyang “health examination” kasabay na rin ang pagdiriwang ng Pasko nilang mag-iina, nagkaroon muna ng blessing ang kanyang bagong office ng KrisTV Corp.

Sabi ng Queen of All Media, nakarehistro na sa Securities and Exchange Commission ang company niya.

“WELCOME to #mynextchapter #ThisIsReal,” sabi ni Kris sa kanyang video post.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nailunsad na ang Kris Digital sa pamamagitan ng kanyang Facebook Live videos, sa pagbabalik niya sa Enero ay ang KrisTV Corp. naman ang kanyang aasikasuhin. Curious at excited na ang kanyang followers kung ano ito.

Naka-post sa Flipagram ang office ng KrisTV Corp na nasa Quezon City. Nakita rin namin na kasama niya sa blessings ang mga taga-APT Entertainment. Joint venture kasi nila ito ni Mr. Tony Tuviera.

“I’m excited to see KRISTV Corp. grow as our new venture flourishes. Super excited for my new chapter. Maraming bago.

Finally doing things I never thought I would be doing. Thank you Lord ❤️ #ThisIsReal,” sabi ni Kris sa isa pa niyang post. (NITZ MIRALLES)