DALAWANG beteranong coach at isang promising pro mentor ang lumutang na posibleng pumalit sa binakanteng posisyon ni Jamike Jarin bilang head coach ng San Beda College men’s basketball team sa NCAA.

Nagbitiw si Jarin sa San Beda para tanggapin umano ang alok ng National University na pangasiwaan ang Bulldogs sa UAAP. Matatandaang nagbitiw ang champion coach at dating PBA player na si Eric Altamirano sa NU.

Lumutang ang pangalan nina dating Red Lions coach Boyet Fernandez, dating Letran coach at kasalukuyang Alaska assistant coach Louie Alas, at Meralco assistant coach Jimmy Alapag .

Kinumpirma ni San Beda NCAA management committee representative Jose Mari Lacson ang pamamaalam ni Jarin sa koponan ng Red Lions.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“I just learned that he already bid goodbye to the players, but I’m still waiting for official word from Father Rector,” pahayag ni Lacson.

Sa tatlong pangalang nabanggit, si Fernandez ang sinasabing nakalalamang dahil dating na siyang naging coach ng Red Lions at napagkampeon noong Season 89 at 90 tungo sa makasaysayang five-pet ng San Beda.

Pinalitan si Fernandez ni Jarin nang kunin ng una ang alok na maging coach ng NLEX sa PBA. (Marivic Awitan)