steve-harvey-copy-copy

KANYA-KANYANG hula ang mga nakarinig sa interview kay DOT Secretary Wanda Tulfo-Teo sa DZMM sa blind item niyang Pilipina ang magiging co-host ni Steve Harvey sa Miss Universe 2017. Walang ibinigay na clue si Sec. Wanda, sinabi lang na may napili na sila, ayaw pa lang pangalanan.

Magkakaroon ng co-host si Steve Harvey para maiwasang maulit ang pagkakamali nito sa announcement ng winners sa Miss Universe last year. Okey naman siguro ito kay Steve Harvey at naiparating na sa kanya.

Kabilang sa mga pangalang hinuhulaang magiging co-host sina Ruffa Gutierrez, Bianca Gonzalez, Charlene Gonzales, Joey Mead-King, Kris Aquino, KC Concepcion at Lea Salonga.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa mga binanggit, nag-deny na si Joey Mead na siya ang napili sa kanyang post sa Facebook: “Guys it’s not me... you can all make other assumptions but I myself haven’t been contacted from anyone for Miss U.”

Gaganapin sa Mall of Asia Arena sa January 30, 2017 ang Miss Universe at dumating ang ibang candidates para sa pre-pageant activities.

Si Maxine Medina ang bet ng Pilipinas sa Miss U. (NITZ MIRALLES)