DOHA (AP) – Pinukaw ng imahe ng 6-anyos na lalaking Afghan na nakasuot ng Lionel Messi jersey na gawa sa plastic bag ang puso ng milyun-milyong katao sa mundo noong Enero.

Halos isang taon makalipas maging viral ang kanyang litrato, nakaharap ng batang si Murtaza Ahmadi ang kanyang idolo sa Qatar, kung saan naglalaro si Messi kasama ang kanyang Barcelona teammates noong Martes.

Ang kanilang pagkikita ay inayos ng organizing committee ng 2022 World Cup sa Qatar na inilipad ang bata mula Afghanistan. Sinalubong ni Messi si Murtaza sa hotel, hinawakan ang kamay nito bago kinarga at nagpakuha sila ng litrato. Nakasuot si Murtaza ng Barcelona jersey.

“I’m very happy to have met my hero. It is a dream for me,’’ sabi ni Murtaza, ayon sa World Cup organizing committee.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa