7-game winning streak sa Rockets; Miami Heat nakabawi.

HOUSTON (AP) – Nahila ng Rockets ang winning streak sa pitong laro matapos wasakin ang depensa ng Brooklyn Nets tungo sa 122-118 panalo nitong Lunes (Martes sa Manila).

Naisalpak ni Eric Gordon ang isang free throw mula sa foul ni Sean Kilpatrick para sa 120-118 bentahe at muling umiskor ng bonus shot mula sa foul ni Brook Lopez para selyuhan ang panalo.

Nanguna si James Harden sa Rockets sa naiskor na 36 puntos, 11 assist at dalawang rebound para sandingan ang Houston sa ika-18 panalo sa 25 laro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nag-ambag si Gordon ng 24 puntos, habang kumana sina Ryan Anderson at Nene ng 19 at 12 puntos.

Natikman ng Nets ang ikalawang sunod na kabiguan para sa 17-6 karta.

HEAT 112, WIZARDS 101

Sa Miami, sa wakas tuluyang nag-init ang Heat, sa pangunguna ni Goran Dragic na umiskor ng season-high 34 puntos, para tuldukan ang five-game skid sa impresibong panalo kontra Washington Wizards.

Hataw din si Hassan Whiteside sa naiskor na 17 puntos at 16 rebound, habang kumana si James Johnson ng 14 puntos.

Naputol nman ang two game winning streak ng Wizards, sa kabila nang matikas na opensa ni John Wall sa naiskor na 30 puntos at walong assist.

Kumubra si Bradley Beal ng 29 puntos mula sa 11-of-20 shooting para sa ika-14 na kabiguan sa 23 laro ng Wizards.

CLIPPERS 121, BLAZERS 120

Sa Los Angeles, nabitiwan ng Clippers ang tangan sa bentahe sa kaagahan ng laro, ngunit may sapat na lakas sa end-game para maitakas ang panalo kontra sa matikas na Portland Trail Blazers.

Hataw si Blake Griffin sa natipang 26 puntos at tumirada si Chris Paul ng 21 puntos para sa ikalawang sunod na panalo ng Clippers at 18 sa kabuuang 25 laro.

MAVS 112, NUGGETS 93

Sa American Airlines Center, magaan na tinalo ng Dallas Mavericksang Denver Nuggets, 112-92.

Nadomina ng Mavericks ang laro mula simula hanggang sa final buzzer tungo sa season-high 65 puntos sa halftime.

Naitala ng Dallas ang pinakamalaking bentahe sa 24 puntos.

Anim na Mavs ang umiskor ng double digit, kabilang si Wes Matthew, habang umiskor sina Matthew Barnes at Deron Williams ng 18 at 17 puntos, ayon sa pagkakasunod.