MULING pumirma ang aktres at businesswoman na si Heart Evangelista-Escudero bilang brand ambassador ng Philippine Veterans Bank. Patuloy niyang ipapakilala sa buong Pilipinas ang kampanyang “Bank with Heart for every Filipino”.

Ayon kay Mike Villa-Real, VP for corporate and consumer relations ng PVP, “Ang kanyang professionalism, integridad, passion sa pagganap at socio-civic advocacies makes her a fitting choice para kumatawan sa mga proyektong ilulunsad ng PVB sa 20l7. Full-blast ang promotions na gagawin na kung saan itatampok si Heart sa print media, television at digital ads.”

Ang PVB ay isang private commercial bank na pag-aari ng mahigit na 300,000 Filipino World War 11 Veterans at ng kanilang mga kaanak. (REMY UMEREZ)
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador