Disyembre 12, 1980 nang ipagbili ang notebook na naglalaman ng mga sulatin ng Italian artist na si Leonardo da Vinci, kilala noon bilang Leicester Codex, sa halagang $5,126,000 sa isang auction block sa Christie’s sa London.
Ito ay binili ni Occidental Petroleum Corporation President Armand Hammer, na siyang nagpalit ng pangalan at tinawag na Hammer Codex at idinagdag sa kanyang art collection.
Sinimulang isulat noong 1508, ito ay binubuo ng 72 loose pages na kinatatampukan ng 300 notes at detalyadong drawing na may kaugnayan sa tema.