kris-copy

NAGPASALAMAT si Kris Aquino sa mahigit isang milyon nang nanood sa kanyang unang Facebook Live, ang #ThisIsReal, with Maine Mendoza. 

Ang post ni Kris sa kanyang Instagram account: “Thank you! And because you wanted a lengthier conversation, I’m having a very special sit down, one-on-one with @mainedcm next week. #ThisIsReal #KrisConversations.”

Mukhang nag-enjoy si Kris sa kanyang first Facebook Live na sa YouTube namin napanood. Tumagal lamang ito ng more than six minutes, simula nang mag-meet sila ni Maine sa UP Town Center para manood ng Enteng Kabisote 10 The Abangers. Naglakad at nag-usap sila habang papunta sa cinema at marami ang natuwa nang makita sila. 

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

May mga gustong magpa-picture sa kanila at pumayag naman si Kris. Pinigilan lamang ni Kris ang mga nakipag-selfie sa kanila nang papasok na sila sa sinehan dahil bawal nang kumuha ng pictures sa loob.

Napakaikli lang talaga ng pag-uusap nina Kris at Maine pero labis ang pasasalamat ng una at na-teary-eyed pa siya nang mag-post ng pasasalamat si Maine sa kanya dahil wala raw ito sa kinalalagyan ngayon kung hindi ito nag-dubsmash ng mga ginagawa noon ni Kris.

Marami ang nabitin sa kanilang usapan kaya naisip ni Kris na magkaroon ng mas mahabang interbyuhan with Maine, lalo na’t request din ito ng fans ng Phenomenal Star.

Buong laya nila itong magagawa dahil iisa na ang kanilang management, ang APT Entertainment, Inc. ni Mr. Tony Tuviera.

Next week na ang pangako ni Kris, tiyak na marami na naman ang nag-aabang na maganap uli ito sa Facebook Live.

(NORA CALDERON)