Dalawang boksingerong Pilipino ang umuwing luhaan nang matalo sina Philippine light flyweight champion Lester Abutan at lightweight Leonardo Doronio sa kanilang magkahiwalay na laban sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan kamakalawa.

Nakipagsabayan si Abutan sa hinamong si OPBF junior flyweight champion at world ranked Ken Shiro sa loob ng dalawang round, ngunit napatigil siya ng Hapones sa 3rd round kaya ibinigay ni Japanese referee Yuji Fukuchi sa kababayan nito ang panalo.

Si Fukuchi rin ang referee sa sagupaan nina Doronio at dating OPBF lightweight champion Yoshitaka Kato na nauwi sa 10-round split decision.

Nakatakda namang sumagupa si super flyweight Engelbert Moralde sa Mexican na nakabase sa Japan na si Kenbun Torres sa 8-round na sagupaan sa Sabado sa L-Theatre sa Osaka.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakatakda namang hamunin ni Philippine female flyweight champion Carleans Rivas ang walang talong knockout artist na si Chaoz Minowa ng Japan para sa bakanteng OPBF female flyweight title sa Disyembre 13 sa Korakuen Hall sa Tokyo. - Gilbert Espeña