Malungkot na balita para sa mga motorista.
Napipintong muling magpatupad ng big-time oil price hike sa bansa sa susunod na linggo.
Sa taya ng industriya ng langis, posibleng magdagdag ng P1.60 sa kada litro ng gasolina, P1.50 sa kerosene at P1.40 naman sa diesel.
Ang nagbabadyang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan at pagtaas ng demand ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Disyembre 6 nang tinapyasan ng 25 sentimos ang kada litro ng diesel, habang hindi naman nagbago ang presyo ng gasolina at kerosene.
Matatandaang Nobyembre 29 lamang nang huling nagpatupad ng big-time oil price hike at tumaas ng P1.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P1.40 sa kerosene at P1.20 sa diesel. - Bella Gamotea