Bakit inaapura ang pagbabalik sa death penalty?

Ito ang tanong ni Vice President Leni Robredo sa House Committee of Justice kaugnay ng apurahang pagpapasa sa panukala na nagbabalik sa parusang kamatayan sa matitinding krimen.

Kinuwestiyon ni Robredo kung paanong naipasa ng komite ang panukala kahit walang sapat na ebidensiya o iprinisintang pag-aaral na magpapatunay na epektibo ang parusang kamatayan upang mapigilan ang kriminalidad.

Sa botong 12-6-1, inaprubahan nitong Miyerkules ng komiteng pinamumunuan ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali ang panukalang nagpapataw ng kamatayan sa lahat ng matitinding krimen, kabilang na ang may kinalaman sa droga, ang rape, carnapping at plunder.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Binatikos din ni Rodolfo Diamante, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, ang “railroading” sa pagpapasa ng death penalty bill sa Kamara na tinawag niyang “anti-life” at “anti-poor”.

Una nang nanawagan si CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa mga Pinoy na magkaisa upang tutulan ang planong pagbuhay sa death penalty, sa pakikiisa sa prayer rally sa Parish of St. Dominic sa San Carlos City, Pangasinan sa Lunes, Disyembre 12. (Raymund Antonio at Mary Ann Santiago)