Mapapanood ang kapana-panabik na pagtatapos ng makasaysayang 2016 UFCC Stagwars sa pagtatampok ngayon ng 17th leg sa Lucky Sports Complex sa San Pablo City na pagmamay-ari ng magkapatid na Joey at Buboy delos Santos.

Hindi bababa sa 120 sultada ang inaasahang maglalaban-laban na pangungunahan ng halos nakasisiguro na sa kampeonato na si Dorie Du ng Davao City, ngunit posible paring abutan ng pumapangalawang si Joey delos Santos (San Roque) at ni Ka Luding Boongaling (LB Candelaria) sa ikatlong puwesto.

Nasa ika-apat naman si Eric dela Rosa (Polomok) na sinundan ni Nelso Uy & Dong Chung (Full Force)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang laban para sa Stagfighter ng Circuit Two ay mas dikit kung saan ilang puntos na kalamangan lamang ang naghihiwalay kina RJ Mea (RJM), Ka Luding Boongaling (LB Candelaria) at Eric dela Rosa (Polomok).

Pinamumunuan ng Ultimate Fighting Cock Championship ang 2016 UFCC Stagwars sa pakikipag-tulungan ng Thunderbird Bexan XP, Resorts World – Manila at Solaire Resorts & Casino.