Masusubok ang kalidad ng Philippine Batang Azkals football Under-22 men’s team sa pagsagupa sa Malaysia sa friendly game Huwebes ng gabi sa Rizal Memorial football pitch sa Manila.

Inihahanda para sa pagsabak sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, masusukat ang kahandaan ng koponan sa laban sa isa sa pinakamatikas na grupo sa rehiyon.

Bukas sa lahat at libre ang panonood sa laro.

Ang komposisyon ng Philippines U22 Men’s Team ay kinabibilangan nina Junell Mark Bautista at Marvin Jake Bricencio (Benguet State University), Jeremiah Borlongan (University of the Philippines), Jaime Vicenzo Cheng (SD Raiders FC), Marco Alessandro Casambre (University of the Philippines / Global FC), at Julian Mariano Clarino (University of the Philippines / Loyola Meralco Sparks FC).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang din si Jimson Crestal (San Beda College), Raphael Clifford de Guzman at Darius Joseph Diamante (De La Salle University, Daniel Bernan Gadia (University of the Philippines / Loyola Meralco Sparks FC), Javier Augustine Gayoso (Ateneo de Manila University) at Lorenzo Giuseppe Genco (Kaya FC).

Ang iba pang miyembro ay sina Yoshiharu Koizumi (De La Salle University), Earl Real Laguerta (De La Salle - College of Saint Benilde), Christian Lapas, Dimitri Lionel Limbo at Raphael Vincent Resuma (University of the Philippines), Richard Talaroc Jr. (Global FC), Patrick Valenzuela (National University), Nathanael Ace Villanueva (University of the Philippines / Loyola Meralco Sparks FC) at Nico Vilaccin. (Angie Oredo)