Hangad ng Philippine U19 National Rugby Team na makausad sa pinakamataas na grupo sa pagsagupa sa Korea, Singapore at United Arab Emirates sa isasagawang U19 Asia Rugby Championships sa International School sa Taguig City.

Ito ang ipinahayag ni Philippine Rugby Union (PRU) coach Jake Letts, habang kasama ang mga players na sina Fil-New Zealander Joshua Aragon at Kingsley Ballesteros sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum kahapon sa Shakey’s, Malate.

“We are looking to be on the top 4 of this tournament,” pahayag ni Letts.

Agad na sasagupain ng Junior Volcanoes sa unang laro ang No.2 seed Korea kung saan hindi pa nagwawagi ang koponan ng Pilipinas sa nakalipas nitong paghaharap.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Korea had a well-funded, really prepared and had a strong team when it comes to Rugby,” sabi pa ni Letts, na aasa din kina Rhys Jacob mackely, Kai Ledesma Stroem at Robert Benitez McCafferty.

Ang tatlo ay nakapaglaro na para sa Men’s National 7s team ngayong taon habang ang kapwa team captain na sina Ballesteros at Aragon ng U19 national team na kapwa mula sa Clark Jets ay kabilang sa 25 man selection team.

(Angie Oredo)