Matutunghayan ang husay at galing nang pinakamahuhusay na lokal at collegiate player sa bansa sa pagpalo ng Smart National Open Badminton tournament simula ngayon sa Powersmash Badminton Center sa Vista Mall sa Taguig City.

Pangungunahan ang National Team nina Sarrah Barredo, Kevin Cudiamat, Jofer Escueta, Roslee Pedrosa, Frell Gabuelo, Peter Gabriel Magnaye at Alvin Morada.

“This is definitely the biggest Open badminton tournament in the country, we’re also the biggest in all Philippine National Ranking System events,” pahayag ni tournament director Yoly Araullo.

Susundin ng torneo ang PNRS na isang sistemang ginagamit para makuha ang ranking ng mga manlalaro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinabi ni Smart Sports chief Christopher “Epok” Quimpo na ang torneo ay parte ng MVP Sports Foundation para makatulong sa paghahanap nang mga talento sa sports.

“This is part of the MVP Sports Foundation in keeping not just badminton but sports in our country alive,” sabi ni Quimpo.

Ang apat na araw na torneo ay inorganisa ng Forthright Events and Sports Management, Inc. at sponsor ang Smart, MVPSF, Victor exclusively distributedd by Pcome Industrial Sales, Bali Pure, Koffee Luwak, Prima Pasta, 100Plus at venue partners Powersmash Badminton Center at Vista Mall Taguig.