WELLINGTON (Reuters) – Biglaang inihayag ni New Zealand Prime Minister John Key ang kanyang pagbibitiw nitong Lunes, sinabi na ito ang tamang panahon para lisanin ang pulitika matapos ang walong taon sa kapangyarihan.

Sinabi ni Key na wala pa siyang plano para sa hinaharap, ngunit mananatili siya sa parliament nang sapat na panahon upang maiwasan ang by-election para sa kanyang puwesto.

“There is no way I could have served out a full fourth term,” sabi ni Key sa kanyang weekly press conference sa Wellington, tinukoy niya ang kanyang pamilya bilang dahilan ng kanyang pag-alis.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“I think in reality if I served six months or a full-year, I would have inevitably had to look down the barrel of a camera and say ‘I will serve a full three years’. I would therefore have mislead the public and that is not the way of operating.”

Pinuri si Key sa kanyang pamamahala sa NZ$240 billion economy matapos ang global financial crisis at dalawang mapinsalang lindol sa Christchurch.