WAGING-WAGI pa rin sa buong bansa ang mga programa ng ABS-CBN dahil sa nakuha nitong national average audience share na 44%, siyam na puntos ang lamang sa 35% ng GMA, base sa survey data ng Kantar Media.

Sa primetime (6PM-12MN) pa rin higit na tinutukan ang ABS-CBN sa naitalang audience share na 46%, sampung puntos ang lamang sa GMA na nakakuha ng 36%. 

Bukod sa primetime, namamayani rin ang ABS-CBN sa morning block (6AM-12NN) sa audience share na 40% laban sa 35% ng GMA; sa noontime block (12NN-3PM) ay 44% naman ang natamo nito laban sa 34% ng GMA; at sa afternoon block (3PM-6PM) ay 44% laban sa 34% ng GMA.

Samantala, walo sa sampung pinakapinanood na programa sa bansa ay mula sa ABS-CBN, sa pangunguna pa rin ng FPJ’s Ang Probinsyano na nagtala ng national TV rating na 35.4%. Pumangalawa ang TV Patrol sa national TV rating na 32.2% kumpara sa katapat na 24 Oras na hindi nakapasok sa top 10 at nagtala ng 23.3%.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kasama rin sa top 10 programs noong Nobyembre ang Wansapanataym (28.7%),Pinoy Boyband Superstar (27.3%), Home Sweetie Home (26.6%), Goin’ Bulilit (25.9%),Magpahanggang Wakas (24.5%), at TV Patrol Weekend (24.3%).

Samantala, It’s Showtime pa rin ang pinapanood ng mas maraming Pilipino sa tanghali. Nakakuha ito ng national TV rating na 17.6% sa weekdays at 19.5% sa Sabado, kumpara sa Eat Bulaga na may 12% sa weekdays at 13.7% sa Sabado.

Nananatili ring top-rater ang Ipaglaban Mo tuwing weekend sa national TV rating nitong 19.3%, o 10.5 puntos ang lamang sa Karelasyon (9.8%).

Agad ding sinubaybayan ang morning series na Langit Lupa, na inilunsad din nitong Nobyembre. Nagtamo ito ng 17.7% at tinalo ang Trops na nagtala ng 9.8%.

Bukod sa TV, inabangan din ang mga programa ng ABS-CBN sa video-on-demand service nitong iWant TV. Noong Oktubre, pinakatinutukan sa iWant TV ang Pinoy Big Brother Luck Season 7, FPJ’s Ang Probinsyano, Till I Met You, The Greatest Love, Doble Kara, at Magpahanggang Wakas.

Wagi rin ang Kapamilya network laban sa GMA sa iba pang bahagi ng bansa. Wagi ito sa Total Balance Luzon sa average total day audience share na 47% laban sa 36% ng GMA; sa Total Visayas na nakakuha ito ng 53% laban sa 28% ng GMA; at sa Total Mindanao 53% laban sa 30% ng GMA. (Ador Saluta)