untitled-1-copy

Pakitang gilas ang lokal fighter tampok ang Team Lakay, habang napanatili ni Fil-American Brandon Vera ang tangan sa heavyweight world championship sa impresibong panalo kontra Japanese challenger Hideki Sekine sa main event ng ONE:

Age of Domination Biyernes ng gabi sa MOA Arena.

Natupad ang pagbawi sa dangal ni dating featherweight champion Honorio Banario sa dominanteng panalao via submission kontra Rajinder Meena para pangunahan ang ratsada ng Team Lakay ng Baguio City sa nangungunang mixed martial arts promotion sa Asya.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nangailangan lamang si Banario ng 55 segundo para mahuli ang diskarte ng karibal na Indian para mapatumba at mapilitang mag-tap out.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ni Banario para mabura ang nakadidismayang five-match losing skid sa featherweight division.

Hindi nagpahuli ang Team Lakay member na si Edward Kelly na nagpamalas nang lakas para mapasuko si Sunoto sa ikatlong round, habang nagwagi si Danny Kingad laban sa katropa na si Eugene Toquero via submission sa unang round ng kan ilang duwelo sa all-Pinoy flyweight fight.

Tulad nang inaasahan, hindi nakaporma kay Vera ang karibal na madaling napasuko sa laban via technical knockout sa loob lamang ng unang round.

Sa post-fight interview, sinabi ni Vera na inspirasyon niya ang sambayanan at nais niyang tularan ang daang tinahak ni eight-division world champion at Senador Manny Pacquiao sa pagtulong sa mg kababayan sa lalawigan.

“I want to help people, in the provinces, because no one’s helping people in the provinces,” pahayag ni Vera. “I’m just following Pacquiao’s lead. I love seeing him in hearings.”

“The Senate in 2019,” pabirong sagot ni Vera patungkol sa kanyang interest na pumasok sa pulitika.

Hindi naman pinalad si Geje Eustaquio na natalo kontra Toni Tauru ng Finland via tap out sa kanilang bantamweight bout, gayundin si April Osensio na naungusan ni Taiwanese Jenny Huang.