Kinumpleto ng National University ang double celebration nang magkampeon sa boys at girls volleyball nitong Miyerkules nang gapiin ang University of Santo Tomas sa UAAP Season 79 high school volleyball tournament sa Adamson gym.

Nanguna si Billie Jean Anima sa Bullpups sa naiskor na 25-15, 25-18, 25-19 sa Game 3 ng kanilang title duel kontra Tiger Cubs.

Tinanghal na MVP si Anima.

Naisalba naman ng NU ang matikas na pakikihamok ng UST, 25-22, 25-23, 15-25, 25-20, pra makopo ang bhirang three-peat.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

“This is the most amazing championship year namin,” sambit ni NU girls head coach Raymond Castillo.

“I think what it tells us is that we are really a team. Humugot kami ng lakas mula sa isa’t isa, wala talagang star player,” aniya.