HAVANA (AFP) – Sa daan-daang eskuwelahan, ospital at mga pampublikong gusali, lumagda ang mga Cuban sa ‘’solemn oath’’ nitong Lunes para depensahan ang rebolusyon matapos pumanaw ang komunistang lider na si Fidel Castro.

Sa halip na mag-iwan ng mensahe sa mga libro ng pakikiramay, inimbitahan ang mga Cuban na itaguyod ang ‘’concept of the revolution’’ ni Castro.

‘’We will keep fighting for these ideas. We swear!’’ nakasaad sa panunumpa na nilagdaan ng mga Cuban ng kanilang pangalan, tatlong araw matapos namaalam si Castro sa edad na 90.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'