HAVANA (AP) — Isang nine-story portrait ng batang si Fidel Castro ang kabilang sa mga higanteng imahe na itinayo sa Plaza of the Revolution ng Havana, ang malaking liwasan kung saan sinimulan ng Cuba noong Lunes ang pamamaalam sa lalaking namuno sa isla sa loob ng halos isang siglo.

“There’s a genuine feeling of mourning,’’ sabi ni dating National Assembly President Ricardo Alarcon sa state television noong Linggo.

Sa Miyerkules, sisimulan ang tatlong araw na prusisyon ni Castro patungong silangan.

Muli nitong babaybayin ang martsa ng rebel army mula sa kabundukan ng Sierra Maestra hanggang sa kabisera. Ilalagak ang mga abo ni Castro sa Linggo sa Santa Ifigenia cemetery sa Santiago, ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Cuba.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina