jennylyn-at-dennis-copy

MUKHANG sinamantala ng mag-sweetheart na Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na maluwag pa ang oras nila kaya nakapagbakasyon sila ng ilang araw sa Europe.

Nakabalik na sila ng bansa at muli nang hinarap ni Jennylyn ang taping ng kanyang musical show na Superstar Duets, na sabi’y na-extend pa ng ilang linggo.

Balita ring nakakuha na ang GMA-7 ng magiging leading man ni Jennylyn sa remake ng koreanovelang My Love From The Stars (MLFTS). Dumaan daw ito sa audition at soon, ipakikilala na, bago nila simulan ang taping.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Maririnig na rin ang teaser ng MLFTS na naging bukambibig noon, ang “Saree” for ‘sorry’ ng bidang si Steffi na gagampanan ni Jen.

Pinaghahandaan naman ni Dennis ang bago niyang epic-seryeng Mulawin. Mahaba-habang preparation ito mula sa costumes at sa action scenes at malamang dumaan din sa audition ang magsisiganap.

Nalaman din namin na walang gumanap na artista sa Encantadia na isasama sa Mulawin kaya tiyak na maraming Kapuso stars ang naghahanda na para sa isasagawang audition. (NORA CALDERON)