Hindi puwedeng magpalabas ng arrest order ang Kamara laban kay Senator Leila de Lima maliban na lang kung ang kasong kinakaharap nito ay nasa ilalim ng parusang prison correctional o anim na buwan hanggang anim na taong pagkabilanggo.

Sinabi ni Senator Richard Gordon na protektado nila ang karapatan ng kapwa mambabatas kaya malabong mangyari na dakpin ang senadora.

“Siyempre poproteksyunan namin ang karapatan din ng isang senator, hindi dahil senator, pero na-violate ‘yung kanyang rights,” ani Gordon.

Ayon kay Gordon, malaya ang Kamara na ipahayag ang saloobin nito pero ibang usapan na kung maipatutupad ito.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“They can do anything that they want, pero siyempre, to implement it… alam n’yo naman, eh, hindi mai-impede ang senator na mag-attend ng hearings unless ang crime niya, eh, prison correccional. Ito ay obstruction of an investigation by a co-equal branch of Congress,” paliwanag ni Gordon.

Una nang nagbanta ang Kamara na ipadadakip si De Lima sakaling isnabin nito ang ilalabas na show cause order ng mababang kapulungan, makaraang matuklasan na pinayuhan ng senadora ang dati nitong driver na si Ronnie Dayan na magtago at huwag dumalo sa House hearing. (Leonel M. Abasola)